Ang pinaka-unang koleksyon ko noong bata 'e ang K-Zone magazine. Meron ako nung kauna-unahan nilang issue na hindi na matatagpuan dyan sa mga bookstores. 30 issues mahigit ang meron ako sa kasalukuyan. Konti lang kung tutuusin kasi mula nang mag second year HS ako, natigil na ang pagbili ko buwan-buwan (due to financial matters). Sad.
Nung elem ako, dinadala ko sa school ang mga ito at pinapahiram sa mga kaklaseng walang magawa sa buhay (nagmamayabang lang) ha ha. Napansin nila yung drawing section na may prize pag na-feature ang drawing mo. Naisipan namin na magdrawing kami lahat. Ako ang magpapasa sa office nila sa may Robinsons somewhere.
Kalahati ng klase namin ang nagdrawing, take note, KALAHATI. Nilagay ko yun sa isang envelope at nagpasama kay papa sa Robinsons somewhere. Solve! Ang gagawin nalang namin ay maghintay.
Nakalipas ang maraming buwan at wala parin ang mga drawing namin..... nang biglang dumating ang buwan ng Disyembre.....
CHENEN!!
![]() |
Drawing ko lang ang natanggap. Yung Gundam na robot (halatang lalaki ako nung bata). Pagkakita ko nang drawing na nasa magazine, parang ang saya-saya sa pakiramdam.
Gusto ko lang tong i-post. Nakakatuwa kasi. Magaling pala akong magdrawing.... dati. Kinalimutan ko lang siya kaya wala na siya sakin ngayon. Sad talaga. Anyway....... hindi ko nakuha yung prize ko! Ugh. Sayang.
Oo nga pala.... buhay parin ang K-Zone Mag! P95 na siya ngayon. Ang mahal! Dati P75 lang yan, lumelevel up?!
-------> END



No comments:
Post a Comment